March 29, 2015

Childhood Misconceptions

When I was young, I had assumptions which turned out to be misconceptions... Among which are as follows: (Scroll all the way down for the English version)

NUNG BATA AKO...

Ø  Nung bata ako akala ko ang ‘pan’ ay panghanda sa Pasko, meryenda lang pala yun ng ibang tao.
Ø  Nung bata ako akala ko ang family size na coke ay binibili lang kapag may bisita o may birthday, pwede naman pala bumili basta may pera ka.
Ø  Nung bata ako akala ko ang sopas ay inihahanda lang kapag birthday o Pasko, niluluto pala yun para makakain ang may sakit.
Ø  Nung bata ako akala ko adobong manok ang pinakamasarap at pinakamahal na ulam sa buong mundo, marami pa palang mas masarap dun.
Ø  Nug bata ako akala ko pagkatapos ng Holy Week ay pyesta na, may mga lugar palang walang pyesta at mga lugar na walang Holy Week.
Ø  Nung bata ako akala ko ang Jollibee ay para lang sa mayayaman, may mayayaman pala na hindi masyadong pinapansin ang Jollibee.
Ø  Nung bata ako akala ko yung mga nao-honor sa school ay siyang magaganda ang buhay paglaki, kapag pala nakapag-asawa ka ng mayaman kahit hindi mo alam ang kaibahan ng ‘fast’ sa ‘fastly’ay siguradong maganda ang magiging buhay mo (alam mo ba ang kaibahan ng ‘fast’ sa ‘fastly’? Wag mo na isipin kasi wala namang salitang fastly, mali yun. Subukan mo i-type sa Microsoft Word magkakaroon ng guhit)
Ø  Nung bata ako akala ko pag naka-graduate ka ng college yayaman ka na, dun pa lang pala nagsisimula ang hirap.
Ø  Nung bata ako akala ko kapag nagtrabaho ka na at sumasahod makakaipon ka na ng pera, wala din palang natitira sa sahod.   
Ø  Nung bata ako akala ko lahat ng taong nakapag-aral ay disente, hindi pala lahat.
Ø  Nung bata ako akala ko pagkatapos ng hirap ay ginhawa, may mga tao pala na hindi nakakatikim ng ginhawa sa buong buhay nila.
Ø  Nung bata ako akala ko lahat ng namamatay napupunta sa langit at nagiging angels, WALA PALANG NAKAKAALAM kung saan tayo pupunta pag namatay tayo.. Sa heaven? Sino may sabi? Sigurado siya?

Ang dami ko palang maling akala nung bata ako. Pero bakit ganun, nung naitama yung mga maling akala ko biglang lumungkot yung mundo. Ibig kayang sabihin mas maganda pa na mali na lang ang akala?

WHEN I WAS YOUNG…
Ø  When I was young, I thought sandwiches were Christmas treats, I realized later that they are just snacks.
Ø  When I was young, I thought family size coke is bought only when there are visitors or if there’s a birthday celebration, I realized later that anybody with money can buy it anytime.
Ø  When I was young, I thought ‘soup’ is a holiday treat, I realized later that it is usually prepared for sick people.
Ø  When I was young, I thought ‘adobong manok’(chicken cooked in soy sauce and vinegar) is the most delicious and most expensive food in the world, I realized later that there are more delicious food than that.
Ø  When I was young, I thought after the Holy Week come the town fiesta, I realized later that not all towns have fiestas and not all places observe the Holy week.
Ø  When I was young, I thought Jollibee is only for wealthy people, I realized later that some wealthy people prefer other diners and restaurants over Jollibee.
Ø  When I was young, I thought honor students are guaranteed bright futures, I realized later that if you find a rich spouse it doesn’t matter whether you know the difference between ‘fast’ and ‘fastly’ you surely will have a bright future. (By the way, do you know the difference between ‘fast’ and ‘fastly’? Oops, don’t bother, ‘fastly’ is not grammatically correct. Try typing it on Microsoft Word, it will be underlined.
Ø  When I was young, I thought you will get rich after you graduate from college, I realized later that graduation is only the beginning of a hard and laborious life.
Ø  When I was young, I thought you will finally save money from your salary when you start working, I realized later that salary is only for bills and basic needs, no more leftover for you to save.
Ø  When I was young, I thought all educated people are decent, I realized later that some of them are not.
Ø  When I was young, I thought better days come after grim and difficult ones, I realized later that there are unfortunate people who never experience better days in their lives.
Ø  When I was young, I thought people go to heaven and become angels when they die, I realized later that NO ONE REALLY KNOWS. (Heaven? Said who? How can he be so sure?)


I realize now that I have so many childhood misconceptions. But why is it that when those misconceptions were straightened and cleared out, the world seems to become a sadder and grimmer place to live? Would it have been better to live with those misconceptions? 


No comments:

Post a Comment